Muling nagsagawa ng inter-agency meeting ang Department of Justice hinggil sa Mindoro oil spill.
Ayon kay DOJ Usec. Raul Vasquez – ito ay para masigurado na updated ang lahat sa mga nangyayaring imbestigasyon sa naturang environmental crime.
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga representante ng DENR, NBI, technical consultants ng DOJ, BFAR, DOTR at PCG.
Inimbitahan din ayon kay Vasquez ang MARINA at DOH subalit wala ito sa naturang pagpupulong.
Dagdag pa ni Vasquez na ilalatag ng PCG ang kanilang mga ginagawang hakbang para sa naturang oil spill gayon din ang DENR para naman sa lawak ng pinsala nito.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagsagawa ng inter-agency meeting ang DOJ hinggil sa naturang oil spill. | ulat ni Lorenz Tanjoco