Operational na ang isa pang state-of-the-art radar facility ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa Brgy. Binaticlan, Laoang Northern Samar.
Ang Laoang Radar ay ang ika-19 na Doppler Radar na kasalukuyang pinatatakbo ng PAGASA.
Ito ay isang C-Band Dual Polarization Solid State Weather Radar na may 480-km radial range, katulad ng naka-install sa Cataingan, Masbate.
Ang Laoang project ay pinondohan ng humigit-kumulang Php150 milyon.
Ang paglalagay ng pasilidad ay bahagi ng lumalagong network ng mga operational weather observation facility para sa PAGASA.
Ito’y upang palakasin ang mga kapasidad ng ahensya sa pagpapahusay ng mga pagtataya at mga babala nito para sa mga matinding kaganapan sa panahon. | ulat ni Rey Ferrer