Isang bangkang lumubog sa may Quezon, ni-rescue ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang sakay ng isang bangkang lumubog sa katubigan ng San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Clemente Duran (40 taong gulang) at Jackson Gonzaga (34 na taong gulang) na mga residente ng Lucena City, Quezon.

Kwento nila, napasukan ng tubig ang kanilang bangka dahil sa malakas na alon hanggang sa tuluyan itong lumubog.

Nakahingi sila ng tulong sa PCG gamit ang kanilang mobile phone, kaya agad na nakapaglunsad ng search and rescue operations at nasiguro ang kanilang kaligtasan.

Patuloy pang inaalam ng coast guard kung may kinalaman ang sama ng panahon sa nangyaring insidente. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us