Inilikas na ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo at Konsulado ng Pilipinas sa Khartoum ang grupo ng mga Pilipino alas-12 ng tanghali kahapon.
Una nang umarkila ng bus ang Pilipinas para maisakay ang mga Pilipino sa Sudan papunta sa border ng Egypt.
Pinapayuhan ng Embahada na makipag-ugnayan sa kanila ang mga Pilipino na nais lumikas para makapagtakda ng oras sa pagsundo sa kanila.
Hindi pa rin kasi tiyak ang seguridad ngayon kaya’t dapat planado at limitado ang mga paglabas.
Na-monitor din ng Embahada na ilang Pilipino na kusang umalis patungong Egypt at Port Sudan.
Para sa iba pang advisory kaugnay sa paglikas ng mga Pilipino sa Sudan ay maaaring bisitahin ang facebook page ng Philippine Embassy in Egypt. | ulat ni Don King Zarate