Maaari pang makabili ng murang mga gulay at prutas sa mga Kadiwa stores ng Department of Agriculture (DA) ngayong Holy Week.
Sa inilabas na iskedyul ng DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service, mananatiling bukas ang mga Kadiwa store sa Metro Manila hanggang sa April 5, Miyerkules Santo.
Ngayong Lunes Santo, kabilang sa mga bukas ay ang ADC Kadiwa Store sa tanggapan ng DA, tatlong Kadiwa store sa Parañaque, Farmers Collective sa Mandaluyong, at sa Bureau of Plant Industry sa Maynila.
Sa ADC Kadiwa store, kabilang sa mabibili ang mga murang highland at low land vegetables mula sa Agripreneur:
Ampalaya – ₱60
Talong – ₱55
Kamatis – ₱25
Kalabasa – ₱35
Ampalaya native – ₱100
Dahon Ampalaya – ₱20/tali
Mais dilaw – ₱45
Upo – ₱25/pc
Camote – ₱50
Lagkitan – ₱60
Talong native – ₱100
Okra – ₱70
Saluyot – ₱10/tali
Calamansi – ₱90
Sili Labuyo – ₱100
Sili panigang – ₱60
Sili pakbit – ₱100
Red Onion – ₱80
Luya – ₱60
Talbos ng kamote – ₱25
Cabbage – ₱50
Carrots – ₱55
Potato – ₱85
Bell pepper – ₱100
Sayote – ₱35
| ulat ni Merry Ann Bastasa