Kahalagahan ng isinasagawang Balikatan Exercises sa pagitan ng sundalong Pilipino at Amerikano, binigyang-diin ng PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilahad ng Presidential Communications Office (PCO) ang importansiya ng isinasagawa ngayong ika-38 Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at ng Amerikano.

Ayon sa PCO, mahalaga ang Balikatan gayung naipapakita dito ang pagtutulungan sa defense at military operation ng dalawang bansa.

Bukod dito ay mapapalawig din aniya ng bansa ang pagpapalakas sa maritime security at paglaban sa banta ng terorismo sa rehiyon.

Ginagawa ang Balikatan Exercise, dagdag pa ng ahensiya, sa layuning mapaunlad pa ang alyansa ng Pilipinas at ng Amerika bilang magkabalikat sa iba’t ibang larangan na may kinalaman sa depensa.

Nasa 12,200 ang kalahok na mga sundalong Kano habang nasa 5,400 na sundalong Pinoy ang kalahok sa Balikatan na magtatagal hanggang April 23.

Ang Balikatan Exercises ay bunga ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at ng Amerika alinsunod sa Visiting Forces Agreement na nagsimula pa noong 1998. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us