Tumaas pa ang naitatalang kaso ng sakit na dengue sa lungsod Quezon.
Hanggang Abril 22 ngayong taon, umabot na sa 769 ang kaso ng dengue.
Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, nadagdagan pa ito ng 40 kaso mula sa 729 noong Abril 15.
Tumaas na rin ito ng 160.68%% o 474 dengue cases kumpara noong 2022.
Ang District 4 pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na umabot sa 175 cases, sunod ang District 6 na may 150 cases ,District 1 na may 138 cases at ang District 2 naman ang may pinakamababa na may 74 na kaso.
Nanatili sa isa ang naiulat na nasawi at nagmula ito sa District 4. | ulat ni Rey Ferrer