Handa nang tumanggap ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho ang kauna-unahang Cooperatives Job Fair na ilulunsad kasabay ng Labor Day sa Lungsod ng Quezon.
Ito ay sa pangunguna ng Cooperative Development Authority-National Capital Region (CDA-NCR), Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR), at Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (QC-SBCDPO).
Sa abiso ng QC LGU, isasagawa ang naturang job fair sa Risen Garden, Quezon City Hall simula mamayang 9AM hanggang 5PM.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng bio-data/resume at iba pang credentials upang makasali.
Bukod sa job fair sa Quezon City Hall, magkakaroon din ngayong araw ng isa pang job fair sa QC Quadrangle sa pangunguna naman ng Department of Labor and Employment. | ulat ni Merry Ann Bastasa