Kauna-unahang Pinay winner ng Outstanding Asian Star Prize sa Seoul Int’l Drama Awards, pinabibigyang parangal ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniakyat na ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa plenaryo ang resolusyon na layong kilalanin si Belinda Mariano.

Ito ay para sa kaniyang pagkapanalo ng Outstanding Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards (SDA) sa kanyang pagganap sa TV series na “He’s Into Her.”

Ayon sa House Resolution 884 si Mariano ang kauna-unahang Pilipina at ikatlong Pilipino na nanalo ng naturang award sa SDA.

Ang unang dalawa ay sina Alden Richards noong 2019, at Dingdong Dantes noong 2020.

Tinalo ni Mariano ang 175 iba pang nominado sa Asya.

Ang SDA ay taunang award ceremony na kumikilala sa mga natatanging pagganap ng mga aktor at aktres sa buong mundo.

Ang Outstanding Asian Star Prize ay isang special award na ibinibigay sa mga Asian actor at actress sa kanilang natatanging pagganap sa palabas sa telebisyon.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us