Konsyerto sa Palasyo, magbibigay pagkakataon sa mga bagong artists na ipamalas ang kanilang talento

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magmumula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga bagong performing artist na magpapamalas ng kanilang talento sa gaganaping Konsyerto sa Palasyo, bukas ng gabi, April 22.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Creative Consultant Cris Villonco na ang inisyatibong ito, bukod sa pagkilala sa kabayanihan ng mga sundalo ng Pilipinas ay magbibigay oportunidad rin ito sa bagong mukha sa performing arts ng Pilipinas.

Ilan aniya sa mga magtatanghal bukas ay magmumula pa sa Cebu, Cavite, Ilocos Norte, at iba pang bahagi ng bansa.

Makakasama ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pamilya ng mga ito, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at si First Lady Liza Araneta-Marcos, sa panunood ng konsyerto sa Palasyo bukas.  

“Inaanyayahan po namin kayo na please tune in po sa aming live stream bukas sa aming Facebook pages – RTVM, OPGOVPH and Bongbong Marcos – ang Konsyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting, featuring ang mga napakabagong artists at bagong mukha ng performing artists na galing po sa iba’t ibang parte ng ating bansa. Magkita-kita po tayo tomorrow, April 22, Saturday, 6:30 P.M., live stream.” — Villonco | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us