Matagal nang suspetsa ng militar na namatay sa armadong enkwentro sa mga tropa ang mag-asawang communist leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon, pero wala lang hawak na pruweba.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar kaugnay ng kumpirmasyon ng Communist Party of the Philippines sa pagkamatay ng dalawa.
Ayon kay Aguilar, patunay lang ito ng tagumpay ng operasyon ng militar, kasabay ng paninindigan na lehitimong engkwentro ang nangyari sa pagtugis sa mga terorista na nagtatangkang tumakas.
Giit ni Aguilar, ang alegasyon ng CPP na hinuli at tinorture ng militar ang dalawa ay propaganda lang ng mga komunista na bahagi lang ng kanilang panlilinlang.
Dagdag ng opisyal, sa pagkamatay ng dalawa noong Agosto, at pagpanaw ni CPP founding Chair Joma Sison noong Disyembre, wala nang direksyon at dahilan para magpatuloy ang kilusang komunista. | ulat ni Leo Sarne