Kumpirmasyon ng pagkamatay ng CTG leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon, welcome sa National Security Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa National Security Council ang naging kumpirmasyon mula sa CPP-NPA-NDF na nasawi na nga noong Agosto ng taong 2022 ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay National Security Adviser Secreatary Eduardo Año, matagal na nilang pinagsususpetyahang namatay nga sa engkwentro sa militar ang mag-asawa.

Sa pagkamatay naman ng CPP founder na si Jose Maria Sison at ng Tiamzon couple, at sa pagkakaaresto rin kamakailan ng isa pang notorious terrorist na si Eric Jun Casilao ay kumbinsido ang NSC na tuluyan nang guguho ang Communist Terrorist Group.

Patunay lamang aniya ito na kahit saan pang sulok ng mundo magtago ang mga terorista ay matutunton pa rin sila ng pwersa ng pamahalaan.

Kaugnay nito, ay sinabi naman ni Sec. Año na gawa-gawa lang at bahagi ng propaganda ng teroristang grupo ang pahayag nitong tinorture bago pinaslang ang mag-asawang Tiamzon.

Aniya, naninindigan siya sa official reports mula sa Armed Forces of the Philippines.

Naniniwala naman si Sec. Año na tama ang tinatahak ngayon ng gobyerno at dapat lang na ipagpatuloy ang anti-terrorism efforts upang tuluyang mawasakan ang terorismo sa bansa.

Muli rin nitong hinimok ang mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA-NDF na huwag nang makipagmatigasan pa at sumuko na. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us