Lady solon, pinababalangkas ang DOH, LGUs ng mga istratehiya para mapataas ang pagbabakuna sa mga bata

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabubuo ni Senadora Nancy Binay ang Department of Health (DOH) at ang local government units ng mga istratehiya at life-saving interventions upang mabawasan ang bilang ng mga batang hindi pa nabibigyan ng mga kinakailangang bakuna.

Sinabi ni Binay na kinakailangang magdoble trabaho ang lahat para masakop na ng immunizatiom campaign ang mga zero-dose children at palakasin pa ang “patak” immunization coverage sa barangay- at school-levels.

Aminado ang senador na nakakabahala ang impormasyon ng UNICEF kung saan lumilitaw na isang milyong bata ang nalalagay sa panganib at hindi protektado dahil wala ni isang bakuna sa gitna na rin ng pagbabalik ng iba’t ibang uri ng sakit kasama na ang mga COVID-19 variants.

Iminungkahi pa ng mambabatas na rebisahin ang ‘patak’ strategies at maglagay ng matatag na makinarya para matiyak na magiging epektibo ang pagbabakuna sa may isang milyong batang edad dalawang taon pababa.

Sa ulat ng UNICEF, ika-lima ang Pilipinas sa mga bansang itinuturing na “zero-dose” sa buong mundo at pangalawa ang East Asia at Pacific Region dahil mahigit isang milyong bata ang wala pang bakuna laban sa kahit anong sakit. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us