Hiniling ni House Committee on the Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co sa bagong talagang PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na bigyang prayoridad ang proteksyon ng mga kabataan.
Ayon sa mambabatas, ang mga bata ang pinaka-vulnerable na sektor sa lipunan.
Dagdag pa nito ginagamit at sinasamantala ng mga sindikato at mga iresponsableng indibidwal ang mga bata para gumawa ng krimen o mga ilegal na aktibidad gaya ng pagnanakaw, kidnapping, sexual assault, rape, illegal drug trafficking, at prostitusyon.
Isa sa mungkahi ng lady solon sa chief PNP, palakasin ang Women and Children’s Desk police service para mas matututukan ang mga krimen kung saan sangkot ang mga kabataan.
“Children are among the most vulnerable sectors of our society, often as victims and sometimes as being in conflict with the law, so I ask PNP Chief Benjamin Acorda to make the protection of children and the promotion of their welfare among his top priorities.” ani Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes