Lalaki, nalunod sa ilog Chico sa Kalinga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang lalaki ang namatay dahil sa pagkalunod nito kahapon ng hapon  sa ilog chico sa  Dalimuno Bantay, Tabuk City ,Kalinga.

Ang biktima ay kinilalang si Jefferson Logoy Dugayon, 39 taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Lucog, Pinagan, Tabuk City ,Kalinga.

Ayon kay PNP Information Officer P/Capt.  Ruff Manganip ng Kalinga Police Provl. Office, alas-4:50 ng hapon nang natanggap ng PNP ang insidente ng pagkalunod na nangyari bandang alas-3:45 ng hapon sa nasabing lugar.

Ayon sa report ng PNP, pumunta sina Jefferson Dugayon at kanyang mga kasama sa ilog Chico para gunitain ang Semana Santa.

Pero nang umuwi ang grupo dito nila nalaman na nawawala si Jefferson kaagad nila hinanap ito at dito nila natagpuan na nalunod sa ilog, kaagad dinala ang biktima sa Provincial Hospital pero idineklara ng on duty na doktor na dead on arrival. | ulat ni Aquino Perez | RP1 Tabuk

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us