Libo-libong Katolikong deboto sa lungsod ng Zamboanga, nakiisa sa prusisyon ng Santo Entierro

Nakiisa ang libo-libong mga ZamboangueƱo sa prusisyon ng Santo Entierro na ginanap sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Zamboanga bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon. Tinatayang aabot sa mahigit 12,000 mga deboto base sa datos na nakalap ng kapulisan ang nakilahok sa prusisyon sa Brgy. Tetuan na inorganisa ng Tetuan Parish… Continue reading Libo-libong Katolikong deboto sa lungsod ng Zamboanga, nakiisa sa prusisyon ng Santo Entierro

Lalaki, nalunod sa ilog Chico sa Kalinga

Isang lalaki ang namatay dahil sa pagkalunod nito kahapon ng hapon  sa ilog chico sa  Dalimuno Bantay, Tabuk City ,Kalinga. Ang biktima ay kinilalang si Jefferson Logoy Dugayon, 39 taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Lucog, Pinagan, Tabuk City ,Kalinga. Ayon kay PNP Information Officer P/Capt.  Ruff Manganip ng Kalinga Police Provl.… Continue reading Lalaki, nalunod sa ilog Chico sa Kalinga

Buhusan Festival 2023 sa Linggo ng Pagkabuhay, pinaghandaan ng LGU Lucban, Quezon

Pinaghandaan ng Pamahalaang Bayan ng Lucban, Quezon ang Buhusan Festival 2023 na isasagawa bukas, Linggo ng Pagkabuhay. Ayon sa pabatid ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isang entry point at isang exit point ang itinalaga para sa mga tao, samantalang hindi naman maaaring pumasok ang mga sasakyan. Sasaraduhan din para sa mga… Continue reading Buhusan Festival 2023 sa Linggo ng Pagkabuhay, pinaghandaan ng LGU Lucban, Quezon

Lalaki, patay matapos malunod sa isang ilog sa Santa Ana, Cagayan

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang lalaking nalunod sa Ilog Mariting-riting sa Barangay Sta. Clara, sa bayan ng Santa Ana, Cagayan. Base sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Santa Ana, nakilala ang biktima na si Jonel Agcaoili, 52 anyos, na residente ng barangay Kapanickian sa nasabing bayan. Nabatid na isang binata… Continue reading Lalaki, patay matapos malunod sa isang ilog sa Santa Ana, Cagayan