Lalaki, patay matapos malunod sa isang ilog sa Santa Ana, Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang lalaking nalunod sa Ilog Mariting-riting sa Barangay Sta. Clara, sa bayan ng Santa Ana, Cagayan.

Base sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Santa Ana, nakilala ang biktima na si Jonel Agcaoili, 52 anyos, na residente ng barangay Kapanickian sa nasabing bayan.

Nabatid na isang binata ang nakakita sa katawan ng lalaki sa nabanggit na ilog habang sila ay nagpi-picnic kasama ang mga kaibigan.

Agad naman itong naipagbigay-alam sa mga otoridad, ngunit nang dalhin sa Sta. Ana Community Hospital ang katawan ng biktima ay idineklara na itong patay ng umasikasong doktor.

Napag-alamang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin si Agcaoili at pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay nito.

Ang ilog Mariting-riting ay isa sa mga tourist destination sa naturang bayan na kasalukuyan ngayong nililinang. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us