Landbank at DBP merger, pinabubusisi sa senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate Inquiry patungkol sa panukalang merger ng Development Bank of the Philippines (DBP) at ng Land Bank of the Philippines.

Sa inihaing Senate Resolution 579 ng senadora, muli nitong pinahayag ang kaniyang agam-agam sa “potential risk at benefits” na maaaring idulot ng hakbang na ito sa ekonomiya ng bansa.

Gayundin ang epekto nito sa stability ng financial system, at iba’t ibang stakeholders kabilang na sa mga empleyado ng dalawang bangko.

Nakasaad sa resolusyon ang pag-alma ng employees’ union ng dalawang bangko dahil hindi man lamang sila nakonsulta sa merger.

Giniit ng mambabatas na kailangang maging maingat at pag-isipang mabuti ng pamahalaan ang merger na ito at linawing maigi ang lahat ng legal issues dito.

Hinimok din ni Hontiveros ang Malacañang na huwag madaliin ang merger at dapat paglaanan ng panahon upang pag-aralan nang husto. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us