League of Municipalities of the Phil. Cagayan Chapter, suportado ang EDCA sites sa lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta ang League of Municipalities of the Philippines – Cagayan Chapter sa paglalagay ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa kanilang lalawigan.

Ito’y sa pamamagitan ng resolusyon na nilagdaan ng 19 mula sa kabuuang 28 mayors sa Cagayan.

Nakasaad sa resolusyon na pabor ang mga alkalde sa paglalagay ng EDCA sites sa lalawigan dahil mapapabilis ang paghahatid ng tulong sa humanitarian at climate-related disasters na posibleng tumama sa bansa.

Nakasaad din sa resolusyon na kinukunsidera ng liga ang benepisyo na madadala ng EDCA sa lalawigan sa aspeto ng kapayapaan at seguridad.

Kasama sa apat na karagdagang EDCA sites ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan at Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan.

Una naman nang tinutulan ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang pagtatayo ng EDCA sites sa lalawigan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us