Patuloy na natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat dam sa gitna ng mainit na panahon sa bansa.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay bumaba pa sa 195.99 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Nabawasan pa ito ng 33 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 196.32 meters bagamat mas mataas pa rin sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa San Roque Dam habang walang paggalaw sa Ipo at La Mesa Dam.
Nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa