Pumalo sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan base na rin sa pinakahuling monitoring data ng Philippine Coast Guard bunsod ng Tropical Depression Amang.
Ayon sa PCG, nasa 3,614 ang mga pasaherong hindi pa makabiyahe mula sa mga rehiyon ng Eastern Visayas, Southern Tagalog at Bicol.
Kabilang anila dito ang nasa 593 rolling cargoes, labing dalawang vessels, siyam na motorbanca.
Habang pansamantalang nakasilong naman sa iba’t ibang pantalan sa nabanggit na mga rehiyon ang 23 vessels at 21 motorbancas. | ulat ni Lorenz Tanjoco