Lokal na terorista, patay sa engkwentro sa Lanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasawi ang isang lokal na terorista sa enkwentrong naganap sa pagitan ng mga tropa ng 51st Infantry Battalion at 10 miyembro ng Daulah Islamiyah sa Barangay Kalaludan, Pagayawan, Lanao del Sur.

Ayon kay Maj. Gen. Antonio Nafarrete, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan, iniwan ng mga kalaban ang nasawi nilang kasamahan nang magsitakas pagkatapos ng bakbakan.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang labi ng nasawing terorista, at isang M653 rifle kasama ang magasin at bala.

Binati naman ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Roy Galido ang mga tropa sa matagumpay na operasyon.

Nagpasalamat din ang Heneral sa suporta ng lahat ng stakeholders sa kanilang pakikipagtulungan, tungo sa pagtatatag ng pangmatagalang kapayapaan at progreso sa Mindanao. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us