LRMC, naglabas ng road closure sa ilang bahagi ng Roxas Blvd. at ilang kalsada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng road closure sa bahagi ng Roxas Boulevard at ilang kalsada sa Baclaran Church, para bigyang daan ang LRT line 1 Cavite Extension Project.

Mag-uumpisa ang naturang road closure sa Sabado April 29 hangang kinabukasan April 30, mula 10PM hangang 5AM sa southbound lane ng Roxas Boulevard na patungong Maynila.

Habang sa May 2 at 3 naman ay isasara ang northbound lane ng Roxas Boulevard sa kaparehong oras.

Sa May 5 at 6 naman isasara ang service road malapit sa Baclaran Church sa kaparehong oras.

Samantala, muli namang paalala ng LRMC sa publiko na mag-isip na ng alternatibong ruta upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us