LRT1, nagpatupad ng provisional operation matapos magkaaberya ang isang tren nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang nilimitahan ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1.

Ito ayon sa LRMC ay dahil sa nagkaroon ng aberya sa isa sa kanilang mga train unit na nasa bahagi ng Roosevelt Station sa Quezon City.

Dahil dito, nagpatupad ng provisional operations ang LRT 1 mula Balintawak, Quezon City patungong Baclaran sa Parañaque City.

Kasalukuyan nang tinitingnan ng Engineering team ng nasabing railway company ang problema, at tinutugunan na ito upang agad maibalik sa normal ang operasyon nito.

Humingi naman ng paumanhin at pang-unawa ang pamunuan ng LRMC sa mga naapektuhang pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us