LRT2, may libreng sakay sa Labor Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magkakaloob ng Libreng Sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 2 sa Lunes, Mayo 1, Araw ng Paggawa o Labor Day.

Ito ay salig na rin sa kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Transportation (DOTr), upang bigyang pugay ang mga manggagawang Pilipino.

Magsisimula ang Libreng Sakay mula 7AM hanggang 9AM at masusundan naman ganap na 5PM hanggang 7PM.

Kailangan lang magpakita ng katibayan ang mga mag-aavail ng libreng sakay tulad ng company ID o anumang government issued IDs.

Gayunman, kahit may libreng sakay, daraan pa rin ang mga pasahero sa masusing security screening at checking bilang bahagi na rin ng pagpapatupad ng seguridad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us