Pinaalalahanan ng Land Transportation Office ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang hindi awtorisadong paggawa o pag-imprenta ng mga plaka para sa mga sasakyan.
Ginawa ni LTO Chief Jay Art Tugade ang paglilinaw kasunod ng ulat na pinapayagan ng ahensya ang “do-it-yourself ” plates dahil sa kakulangan sa supply ng mga plaka.
Base sa umiiral na Memorandum Circular na inilabas noong 2017, car dealers lamang ang pinapayagang gumawa at magbigay ng temporary plates sa mga bagong sasakyan.
Samantala, ang mga nasira, nawala, o ninakaw na plaka ay pinapayagang gumamit ng improvised plates.
Kailangan lamang na i-report ng may-ari ng sasakyan sa LTO at dapat ding mag-apply para sa awtorisasyon bago sila payagang gumamit ng improvised plate.
Sinuman ang gagamit ng improvised plate ng walang awtorisasyon mula sa LTO ay pagmumultahin at kukumpiskahin ang plaka. | ulat ni Rey Ferrer