Wala pang linaw kung hanggang kailan masusolusyunan ang kakulangan ng suplay ng plastic card para sa paggawa ng driver’s license.
Ito ang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade sa pulong balitaan, kanina.
Sa panig ng LTO, sinabi ni Tugade, na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa Department of Transportation kaugnay sa nasabing isyu.
Sa ngayon, ramdam na sa buong bansa ang kakulangan ng plastic ID cards.
Sa Metro Manila, ilang tanggapan ng LTO ang wala nang suplay at asahan na sa katapusan ng Abril ay wala nang maiisyu na plastic cards driver’s license.
Sinabi ni Tugade, na pansamantalang ipapairal muna ng LTO ang paggamit ng papel na driver’s license.
Ito ay hanggang hindi pa nakakapag-procure ng plastic cards para sa driver’s license. | ulat ni Rey Ferrer