LTO, pinaalalahanan ang mga motorista sa nalalapit na pagpapatupad ng single-ticketing system sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na ilang araw na lang ay lalarga na ang single-ticketing system sa Metro Manila.

Pitong lokal na pamahalaan ang bahagi ng inisyal na rollout nito sa May 2 kabilang ang San Juan City, Quezon City, Parañaque, Manila, Muntinlupa, Valenzuela, at Caloocan.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Jayart Tugade, handa na ang mga nabanggit na LGU sa pagpapatupad ng unified ticketing system kung saan magkakaroon sila ng koneksyon sa database ng LTO.

Isa sa ipinunto ni Asec. Tugade ang pagkakaroon din ng demerit system sa ilalim ng bagong polisiya kung saan ang mga lalabag sa batas-trapiko ay may kaakibat na demerit points.

Oras na umabot ito sa 10 demerit points ay oobligahin na ang driver na sumailalim sa re-orientation course at maaari pang humantong sa pagpapawalang bisa ng lisensya kung umabot sa 40 ang demerit points.

Samantala, muli namang ipinunto ni Tugade na hindi kukumpiskahin ang lisensya kapag nahuling lumabag sa batas trapiko maliban na lamang kung ito ay may pending pang multa na hindi nababayaran.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us