Malabon LGU, nag-deploy ng response team, mga ambulansya ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Malabon local government na umalalay sa mga biyahero at mga mananampalataya ngayong Semana Santa.

Ayon sa LGU, nag-deploy na ito ng anim na ambulansya sa F. Sevilla Boulevard, San Agustin, Hulong Duhat Plaza, Francis Intersection, at Potrero Malabon Action Center upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency cases lalo na sa mga nag-Visita Iglesia.

Nakahanda na rin aniya ang kanilang response team upang agad na rumesponde round-the-clock sa mga mangangailangan ng agarang tulong o assistance.

Hinikayat rin ng pamahalaang lungsod ang publiko na tumawag sa Malabon Command Center sa numero 8-921-6009 / 8-921-6029/ 0942-372-9891 / 0919-062-5588.

Nauna nang tiniyak ng LGU na kahit sa holiday ay mananatiling fully operational ang mga opisinang kabilang sa emergency and disaster response at health services sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us