Mambabatas, ipinagtataka ang pinagmulan ng 990-kilo ng shabu na nasabat sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking palaisipan para sa mga mambabatas kung saan nanggaling ang 990 kilo ng shabu na nasabat sa Maynila noong Oktubre ng nakaraang taon.

Tanong ni House Committee on Dangerous Drugs Vice Chair at Antipolo City Rep. Romeo Acop, kung hindi ba nagtataka ang pambansang pulisya kung saan nakuha ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. ang ganito kalaking suplay ng droga.

“Are you not worried na you know, a certain police, non-commissioned officer is arrested in the possession of 990 kilos or more? Pati nga ako e nagtatanong ako. Saan ba nanggaling yang 990 kilos na yan? Wala tayong report na drug laboratory here. Wala naman nirereport ng customs. How did 990 kilos or more entered this country?” ani Acop

Dagdag pa ng dating PNP-CIDG chief, pinagdududahan na tuloy ng publiko na posibleng mismong mga pulis din ang sangkot sa pagpupuslit ng droga papasok ng bansa.

Kaya dapat ito ang tutukan at tukuyin ng PNP kung paano napasakamay ni Mayo ang naturang shabu.

“Di ba kayo nagtataka? Dapat nga kayo, yung ulo niyo nadoon e. Kung paano nakapasok yan e. Kung maririnig mo mga tao sa labas sabi nila baka kayo na lang ang nag iimport e. Kasi you cannot even explain to us how come 990 kilos or more entered this country.” dagdag ng mambabatas

Nangako naman si PNP for Investigation and Detective Management director Maj. Gen. Eliseo Cruz na bibilisan ang pag-iimbestiga sa issue. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us