Ito ay matapos makitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, may 79 na bagong kasong naitala sa nakalipas na linggo pero karamihan ay mild at asymptomatic.
Bagama’t hindi pa aniya ito nakakaalarma, mahigpit na naka-monitor ngayon ang City Health Department.
Isa sa posibleng dahilan ng muling pagsipa ng kaso ang nagdaang Holy Week break kung saan maraming mga residente ng lungsod ang nagpunta sa ibang lugar para magbakasyon.
Sabi naman ng public health expert na si Dr. Tony Leachon, tumaas na sa pitong porsyento ang positivity rate sa COVID-19 o yung antas ng nagpopositibo sa virus sa buong bansa.
Mainam pa rin aniyang magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar lalo na dahil sa mga kumakalat na bagong sub-variant gaya ng 1.16 o subvariant ‘Arcturus’.
Sa ngayon wala pang naitatalang kaso nito sa Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco