Maraming sangay ng LTO, nauubusan na ng plastic cards para sa driver’s license

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsusumite ng bids para sa pagbili ng plastic cards ng driver’s license.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade na iniurong ito ng DOTr sa May 24, 2023 .

Bunga nito, marami nang mga tanggapan ng LTO ang tuluyan nang naubusan ng plastic cards para sa driver’s license.

Una nang inanunsyo ng ahensya, na paiiralin muna nito ang pansamantalang pag isyu ng papel na driver’s license.

Maaari ding makapag-renew ng lisensya ang mga driver pero yun nga lang papel muna ang iisyu sa kanila.

Naglabas din ng Memorandum Circular ang ahensya na nagpapalawig sa driver’s license hanggang Oktubre 31, 2023. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us