March hanggang May na bakasyon ng mga estudyante, kailangan nang ibalik — Sen. Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapanahon nang ikonsidera ang pagbabalik ng bakasyon ng mga mag-aaral sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Ito ay dahil aniya sa matinding init ng panahon sa mga buwang ito.

Ipinaliwanag ni Go na sa ganitong panahon ay nahihirapang magpokus ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral dahil hindi sila komportable sa init ng panahon.

Dinagdag rin ng senador ang resulta ng isang survey na ginawa noong last week ng March na nagsasabing na 67% sa 11,000 public school teachers ang nakaranas ng hindi makayanang init sa loob ng mga silid-aralan.

Kaugnay nito, tiwala naman si Go na pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang epektibong sistema para sa school calendar.

Maging aniya ang Department of Tourism ay tiyak rin niyang pinag-aaralan na ang epekto ng kawalan ng summer vacation sa local tourism ng bansa.

Sa gitna na rin ito ng saloobin ng ilang tourism workers na hindi pa tuluyang makabalik sa normal ang local tourism sa bansa dahil sa pagbabago ng school calendar o ang kawalan ng summer vacation ng mga estudyante. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us