Mas mataas pang heat index, posibleng maranasan sa QC sa weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan pa ng PAGASA na mas tataas ang temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan na nararanasan ng isang indibidwal sa weekend.

Batay sa 5-day heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa ??°? ang pinakamataas na heat index na maitala sa Science Garden sa Quezon City bukas, April 22.

Pasok na ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

Nasa ??°? rin ang heat index na posibleng maranasan sa Catbalogan City.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na hanggang Mayo pa mararamdaman ang mainit na temperatura sa bansa kaya naman patuloy rin ang paalala nito sa publiko na huwag magbilad sa araw para hindi mabiktima ng heat stress.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us