Ipinapakita ng mataas na survey ratings na nakuha ng House of Representatives at ni House Speaker Martin Romualdez ang kumpiyansa ng publiko sa pagsusulong ng Mababang Kapulungan ng legislative priorities ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos makakuha ng 56% net performance rating ang Kamara sa isinagawang SWS survey gayundin ang 51% approval rating ni Romualdez sa March 2023 Pulse Asia Survey.
“This only means that we are doing the right thing and the people know it. This is a clear sign that people are finally appreciating the long hours of work that we all do in the House of Representatives just to make sure that we will pass laws that will benefit all Filipinos,” saad ni Dalipe
Tinukoy ng Zamboanga City solon ang ‘first in, last out’ style ng liderato ni Romualdez kaya’t mabilis na umusad at naaprubahan ang mga mahahalgang panukalang batas sa kanilang Kapulungan.
Katunayan bago ang Lenten break ng Kongreso ay napagtibay na ng Kamara ang 23 sa 31 LEDAC priority measures ng Marcos Jr. administration.
“We have to give credit to Speaker Romualdez whose first-in-last-out brand of leadership has been a constant inspiration for all of us to go the extra mile to be able to finish our task despite seemingly insurmountable odds,” dagdag ng mambabatas.
Malaking tulong naman ani Dalipe ang nakuhang trust ratings ng Kamara para lalo pa nilang paghusayan ang kanilang trabaho na maiangat ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino lalo na ang mahihirap. | ulat ni Kathleen Jean Forbes