Medical use ng marijuana sa bansa, long-overdue na — isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagsusulong ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez sa decriminalization ng marijuana.

Katunayan,sa gaganaping 420 Philippines Family Day ay kaniyang ibanahagi kung bakit panahon nang isalegal ang cannabis sa bansa.

Punto nito long overdue na ang medical use ng cannabis sa Pilipinas lalo at kinakakitaan naman aniya ito ng pagiging epektibo sa paggamot sa ilang sakit.

Isa pa sa ipinupunto ni Alvarez ay ang potensyal na maging revenue source ang cannabis at makapagbigay din ng trabaho.

“Legalizing marijuana can also provide a much-needed economic boost for the country. The establishment of marijuana plantations can create employment opportunities and bring in additional revenue for the national and especially the local governments,” ani Alvarez.

Ang 420 Philippines Family Day ay programang ikinasa ng ilang grupo at organisasyon na nagsusulong sa legalization ng cannabis para sa medical use.

Kasalukuyang nakasalang pa rin sa TWG ang panukala ni Alvarez na alisin sa listahan ng dangerous drugs ang cannabis, cannabis resin and extracts, at tinctures of cannabis. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us