Patuloy na nadaragdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of April 23, umakyat pa sa 40,897 ang bilang ng mga apektadong pamilya o katumbas ng 193,436 na indibidwal.
Mula ito sa 207 na barangay na sakop ng Calabarzon, MIMAROPA at gayundin sa ilang lugar sa Western Visayas.
Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin naman ang paghahatid ng ayuda ng DSWD sa mga apektadong lalawigan kabilang ang pamamahagi ng family food packs at ang paggulong ng cash for work program.
Una na ring sinabi ng ahensya na higit na sa ₱262-milyon ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektado ng oil spill. | ulat ni Merry Ann Bastasa