Mula Abril 17 hanggang 23, aabot na sa 13,866 individuals mula sa Cagayan Valley ang nakatanggap ng pinansyal na tulong sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, aabot na sa Php41.1 million ang naipamigay ng Field Office II sa mga benepisyaryo mula sa probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.
Kasama si Senator Imee Marcos ng mga provincial at municipal executive at DSWD-Field Office personnel nang namahagi ng iba’t ibang tulong sa mga benepisyaryo.
Ang AICS program ay nagsisilbing social safety net o isang stop-gap mechanism na nilalayong suportahan ang pagrekober ng mga indibidwal at pamilya, mula sa mga hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, natural at man-made disasters, at iba pang crisis situation.
Ito ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga pamilyang lubhang nangangailangan ng tulong at walang ibang pagkukunan nito. | ulat ni Rey Ferrer