Inilabas na ng National Economic and Development Authority o NEDA ang 2023 Revised Guidelines and Procedures para sa pagpasok sa Joint Venture Agreements sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, paiigtingin ng inamiyendahang panuntunan ang kompetisyon para sa mga proyekto sa ilalim ng joint ventures gayundin ang pagpalakas sa performance ng pribadong sektor na lalahok dito.
Sa ilalim ng inamiyendahang panuntunan, magkakaroon ng pantay na ambag ang magkabilang panig na ang taumbayan ang siyang makikinabang ng malaki sa dakong huli.
Dagdag pa ni Balisacan, mapatatatag din ng inamiyendahang panuntunan ang check and balance na siya namang magtitiyak sa technical at financial viability sa mga proyekto ng pamahalaan.
Gayundin, mareresolba rin ayon sa Kalihim ang iba’t ibang usaping bumabalot sa Joint Venture projects na nakita sa mga nakalipas na panahon. | ulat ni Jaymark Dagala