Mga nangungunang negosyo at real estate taxpayers na Malabon. binigyang parangal ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang top business at real estate taxpayers na huwarang sumusuporta sa paghahatid ng inclusive economic growth sa Malabon City ang kinilala ng pamahalaang lokal ng Malabon.

Sa ginanap na “Gabi ng Pasasalamat” ng LGU,

binigyan ng parangal ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga Top corporate taxpayers .

Ipinapakita lang ng pamahalaang lungsod ang lalim ng kanilang pagpapahalaga sa sektor ng negosyo na tumulong sa Malabon na lumakas mula sa pandemya ng COVID-19.

Ang aktibidad ay bahagi ng ika-22 Anibersaryo ng pagka-lungsod ng Malabon.

Naging espesyal ang gabi sa presensya ni Senator Cynthia Villar na nakiisa sa pagdiriwang.

Sinimulan ang buong buwang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang programa ng mga aktibidad para sa mga empleyado ng City Hall. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us