Mga OFW sa Sudan na lumapit sa DFA para makauwi sa Pilipinas, umakyat na sa 300

Facebook
Twitter
LinkedIn


Nadagdagan pa ang mga Pilipino na nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs na nais lumikas sa Sudan at bumalik sa Pilipinas.

Ayon kay Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega mula 100 Pilipino kahapon ngayon nasa 300 na ang nakipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Umakyat na rin sa 700 ang bilang ng mga Pilipino doon ang na-monitor nila, mas malaking bilang kumpara sa datos na kanilang hawak.

Pinapayuhan ng DFA na makipag-ugnayan muna sa kanila ang mga nais umuwi dahil kailangan ng advance notice at visa para makatawid sa border at para maabangan sila ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt.

Samantala, nasa 20 pilipino na ang nakalikas na sa Sudan kasama ng kanilang mga amo habang 50 naman ang nailikas ng DFA gamit ang inarkilang bus. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us