Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa foreign investors at multilateral lenders na pagtitibayin ng Kamara ang mga panukala upang gumanda at sumigla ang ekonomiya ng Pilipinas.
Kasunod ito ng ginawang presentasyon ng economic managers ng Marcos Jr. administration sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang pagtitipon ng mga investor sa Estados Unidos.
Kabilang na rito ang Standard Chartered Bank, World Bank, at International Monetary Fund.
“We are committed to passing more measures that the Marcos administration may need to further enhance investment in the Philippines aimed at improving the lives of Filipinos. I urge foreign investors to stay the course with us and share the benefits of progress and development,” saad ng House leader.
Pinapurihan naman ni Romualdez ang economic team ng Marcos Jr. administration sa hakbang upang maibida ang Pilipinas sa mga investor na makatutulong sa paglikha ng dagdag na trabaho at pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Lalo na aniya at isa ang US sa malalaking source ng investment at funding assistance.
“I commend members of the economic team for this briefing. The United States is a major source of investments and funding assistance. The World Bank and IMF are likewise principal development funders,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes