Pinarangalan ng United States Field Artillery Association ang mga sundalo ng Philipphine Army Artillery Regiment (AAR) na lumahok sa Combined Joint Littoral Live Fire Exercise sa San, Antonio Zambales kahapon.
Bilang bahagi ng ehersisyo, inasinta ng Artillery teams ng Philipphine Army at US military na nakapuwesto sa Naval Training Base, ang isang target sa karagatan.
Pagkatapos ng ehersisyo, ipinagkaloob ni U.S. Army Pacific 25th Division Artillery Commander Col. Joseph A. Katz, at Lt. Col. Timothy B. Lynch, ang The Honorable Order of Saint Barbara Medallion sa tatlong awardee.
Ang mga tumanggap ng parangal ay sina: AAR Commander Brig. Gen. Francis Anthony M. Coronel; AAR Chief of Staff Col. Archie A. Ares; at AAR Assistant Chief of Staff for Education and Training (G8) Lt. Col. Tara V. Cayton.
Ang Honorable Order of Saint Barbara Medallion ay ipinapagkaloob sa mga indibidwal na nagpamalas ng pinakamataas na antas ng integridad, moral character at professional competence; nakapagsilbi ng walang pag-iimbot sa U.S. Army Field Artillery; at nakapag-ambag sa pagsulong ng field-Artillery. | ulat ni Leo Sarne
?: Army Artillery Regiment