MIAA, naglabas ng flight cancellation ngayong hapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa patuloy na sama ng panahon, naglabas ng flight cancellation ang pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA ngayong hapon.

As of 12:50 PM kaselado ang dalawang flights ng Cebu Pacific na DG 6047 at DG 6048 patungo ng Busuanga at pabalik ng Maynila.

Habang ang DG 6117 at DG 6118 na patungong Naga at pabalik ng Maynila ay kanselado din .

Kaugnay nito, isang flight din ng Philippine Airlines ang nakansela ngayong hapon.

As of 1:33pm, kanselado ang flight 2P 2963 at 2964 na patungong Busuanga at pabalik ng Maynila.

Muli namang nag-abiso ang MIAA sa mga pasaherong apektado ng mga naturang flights na makipag-ugnayan na sa kanilang airline companies para sa posibleng rebooking o refund ng kanilang mga ticket. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us