Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Himas rehas na ngayon ang isang hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), makaraang arestuhin ito sa ikinasang operasyon ng Pulisya sa Brgy. Don Galo, Parañaque City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Police Brigadier General Kirby John Kraft, ang naarestong ASG member na si Salahuddin Alpin alyas Almad Pantangan, 38 taong gulang, at isang contruction worker.

Naaresto si Alpin matapos siyang pagsilbihan NG warrant of arrest na inilabas ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 12, dahil sa kasong murder o pagpatay gayundin ng frustrated murder o tangkang pagpatay na isinampa sa kaniya noong 2009.

Nakumpiska sa kaniya ang isang kalibre 45 pistola gayundin ang magazine nito na may lamang walong bala, at isang hand grenade na natagpuan sa kaniyang bag.

Dahil dito, nahaharap si Alpin sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammuntions Law, at Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us