MMDA, nagkasa ng clearing ops sa ilang bus terminal sa EDSA ngayong Lunes Santo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuyod ng MMDA Task Force Special Operations ang ilang bus terminal sa EDSA ngayong araw.

Kabilang sa inikot ang mga backdoor ng bus terminal sa Edsa kabilang ang terminal ng Five Star at Bataan Transit sa Montreal St., Cubao.

Inaasahang simula ngayong araw ay dadagsain na ang mga terminal ng mga magsisiuwian sa probinsya para sa paggunita ng Semana Santa.

Binuwag ng MMDA ang hilera ng mga ambulant vendor na nakahilera sa likod ng terminal ng mga bus, at pinagtitiketan ang mga habal-habal rider at mga taxi na nagsasakay ng mga pasahero.

Sinita rin maging ang mga naka-unipormeng rider ng Angkas, Joy Ride at iba pang TNVS na namimik-up ng pasahero pero hindi na idinadaan sa sistema ng ride hailing service.

Ayon sa MMDA, layon ng operasyon na matiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko at walang mga haharang sa dadaanan ng mga bus. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us