Most wanted na Abu Sayyaf terrorist, arestado ng SAF sa Tawi-Tawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) ang Top 9 Most Wanted na Abu Sayyaf terrorist sa Barangay Simalac, munisipyo ng Languyan sa Tawi-Tawi, kahapon ng hapon.

Kinilala ang salarin na si Tatoh Datu Adingih, na nagtago sa nakalipas na 26 na taon sa ilalim ng alyas na “Tatoh Moro”.

Si Adingih ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong murder na inilabas noong June 14, 2007 ni Judge Abdulmaid K Muin ng RTC Branch 5 sa Bongao, Tawi-Tawi.

Kasama ng SAF sa operasyon ang Anti-kidnapping Group (AKG), Maritime Group (MG), BASULTA Regional Mobile Force Battalion, lokal na pulisya, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Philippine Navy.

Binati ni SAF Director Police Brig. Gen. Rudolph Dimas ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, kasabay ng pagtiyak na laging handa ang SAF na sumuporta sa mga law enforcement operation ng iba’t ibang unit ng PNP.  | ulat ni Leo Sarne

?: SAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us