MPD, may paalala sa mga may balak mag-rally sa Maynila hinggil sa Balikatan 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang pamunuan ng Manila Police District o MPD sa mga grupo na magra-rally sa Maynila, kasabay ng pag-arangkada ng Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ay kasunod ng ginawang lighting rally ng League of Filipino Students at mga kasamahan, sa tapat ng US Embassy sa Maynila kung saan may ilang naaresto.

Ayon kay MPD Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon, sa kaniyang nakuhang impormasyon ay may dalawang raliyista ang nahuli.

Sinabi ni Dizon, inaasahang marami pa ang magkikilos-protesta sa Maynila laban sa Balikatan Exercises.

Pero payo niya sa mga grupo, bagama’t nauunawan ng MPD ang paghahayag ng mga adbokasiya o saloobin ng mga raliyista ay hindi dapat sila gumawa ng anumang labag sa batas.

Dagdag ni Dizon, hindi hahayaan ng MPD na manira ng mga pribado o pang-gobyernong gamit, istruktura at iba pa ang mga raliyista, dahil mali umano ito.

Halimbawa ni Dizon dito ang pagsaboy ng pintura sa logo ng US Embassy, na hindi umano tama at tila pagpapahiya o pagsabotahe pa sa relasyon ng Pilipinas at Amerika, at soberenya ng bansa.

Sa huli, sinabi ni Dizon na mabuting maging disiplinado ang mga magra-rally at sumunod sa maayos na kasunduan ng mga pulis at mga grupo upang maiwasan ang pag-aresto o anumang kaguluhan.

Ang MPD naman ay magbabantay sa iba’t ibang lugar sa Maynila na posibleng puntahan o pagdausan ng rally. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us