MSMEs sa QC, tutulungang makapagbenta ng export quality na produkto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalawakin pa ng Quezon City Local Government ang suporta nito para sa mga Micro Small and Medium Enterprises sa lungsod sa tulong ng Food and Drug Administration.

Ito matapos na lumagda sa memorandum of agreement sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at FDA Dir Gen Samuel Zacate para sa paglulunsad ng programang Bigyang-halaga, Bangon MSMEs o BBMSME

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga lokal na negosyante na mapalago ang kanilang mga produkto at maibenta ito maging sa International market.

Sa ilalim nito, susuportahan ng FDA ang mga MSME sa lungsod na makasunod sa health at safety standards at sa food and drug regulations at masigurong ang kanilang mga produkto ay maging ligtas, epektibo at dekalidad.

Ayon kay FDA Dir. Zacate, ang QC ang unang LGU na naging bahagi ng implementasyon ng Bigyang-halaga, Bangon MSMEs program.

Kabilang sa inaasahang makikinabang rito ang food business operators at cosmetics business sa lungsod na bibigyan ng tulong teknikal at pagsasanay para makakuha ang mga ito ng otorisasyon at sertipikasyon gaya ng License to Operate, Certificate of Product Registration at Good Manufacturing Practice.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, malaking oportunidad ang bubuksan ng naturang partnership para lalong maibida at makilala ang mga produkto sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us