Napaulat na data breach sa PNP, iba pang ahensya ng gobyerno, pinaiimbestigahan sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na maimbestigahan sa Senado ang napaulat na data breach sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Inihain ng senador ang Senate Resolution 573 para atasan ang kaukulang komite ng Senado na silipin ang naturang pangyayari.

Una nang inuulat ng cybersecurity research company na VPNMentor na higit isang milyong records mula sa iba’t ibang law enforcement agencies, kabilang ang mga sensitibong Police employee information, ang nakumpromiso sa naganap na data breach.

Kabilang sa mga apektado dito ang PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Special Action Force (SAF).

Para kay Revilla, lubhang nakakabahala ang ulat na ito dahil sensitibong data gaya ng mga fingerprint scans, tax indentification number (TIN), birth certificate, passport, at iba pa ang sangkot na mga datos.

Ipinaliwanag ng senador na kung mapunta ang mga datos na ito sa masasamang tao ay posible itong magamit sa panloloko.

Sinabi ni Revilla na ang data privacy at ang proteksiyon nito ay isang national security at interes na kailangang tugunan ng Kongreso upang maipatupad ang mga umiiral na batas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us